Me.....(n_n)

Me.....(n_n)

Friday, November 5, 2010

MASAKIT MAN ANG KABIGUAN! :(

ang katutuhanan ay hindi lang binabasi sa sinasabi o sa iyong nalalaman lang, minsang ang tunay na katutuhanan nakakagulat nakakapang-galit nakakapang-gigil at nakakaiyak. kung ikaw ang tatanungin ano nga ba ang nanaisin mo, yung malaman ang masakit na katutuhanan o habang buhay ka nalang maging isang tanga at walang kaalam-alam dapat mo ba itong ipag-pasalamat o kamuhian?...... 

Para sakin dapat lang na malaman nang sa ganon, ikaw ay makabangon naman sa iyong nakaraan at maisaayon mo rin ang mga nais mong gawin sa sarili at buhay mo ng hindi ka nakanatili  nalang sa isang nakaraan na pinangarap at pinaglaanan mo ng oras mo't panahon, mahirap bumangon at magsimulang muli.masakit at mahirap mang tanggapin at pagsisihan o isumpa mo pa man ang iyong kabiguan ay mananatili parin naman itong kabiguan ano't ano paman.

bakit hindi subukang isiping hindi talaga para saiyo ang pagkakataon at kung naiiyak ka ay i-luha mo lang upang maibsan ang sakit ng iyong kabiguan, at kung sa pang araw araw ikaw ay palagi kang nagkakaganyan subukang huminga ng malalim upang luha mo'y mapigilan,wag mong sanaying... sayangin ang luha mong pag-ibig ang laman baka sa iyong pag-tahan ay wala nang pag-ibig na i-aalay sapagkat sumabay na rin ang iyong pag-ibig sa luha mong nag-tahan.  

No comments:

Post a Comment