Bakit kaya ang buhay ay sinadyang laro, masusugatan ka't masasaktan talaga!. minsan masnanaisin kong maging isang ibon, isang malayang malayang ibon na palipad-lipad. na animoy walang kapaguran sa kalilipad.
kahit hindi man tiyak ang patutunguhan kung may pag-asa bang nagiintay sa bawat punong dadapuan, sa paglipas ng panahon ang init nang kaarawan. ang siyang iyong ginagabay.
sa inyong paglikas ay kay sarap pagmasdan sa dala nyong pag-kakaisa ay may isang bayanihan, kay sarap tanawin sa kalangitan ang pagpa-palit-palit nang posisyon at paiba-ibang anyong nahuhugis.
sa iyong paglakbay na nagpa-lipat-lipat sa kawalan ay siyang aking kinalulugdan, tulad ng isang ibong may laya at buhay. may kagalakan sa bawat pag-alpas at pagaspas ng iyong munting mga pak-pak . sa gitna ng iyong kalungkutan, ay may kasama ka't nakakapanayam, sa bawat dampungan at sa bawat paglipad at paghanap ng muling dampungan kahit man sa kawalan.
No comments:
Post a Comment