Me.....(n_n)

Me.....(n_n)

Thursday, November 4, 2010

TUGON NG KABATAAN

Pagmasdan nyo ang ating kapaligiran,na ang dating mga karagataan na kulay bughaw at ngayon ay itim na, na ang dating kagubatan at ngayo'y kalbo na. 

Ano pa kaya ang madaratnan ng mga bagong silang,kung'di itong magulong kapaligiran,ni hindi nga natin binigyan ng halaga na  makita't masilayan ng mga bagong silang ang karikita't kagandahan ng kalikasan.


Oh ano pangsilbi nitong kapaligiran kung hindi natin bigyan halaga at pansin,tingnan niyo ang mga kabataan ngayon pati ang sarili hindi pinahalagahan, sapagkat ang mismong namumuno sa pamahalaan ay siya pangmismo ang sumisira sa ating kalikasan.

Datapwat hindi na dapat natin na pairalin ang ganitong pamamaraan, bagkos iwaglit natin sa isipan ng mga batang paslit ang ganitong kaugaliaan.


Bagamat ang kabataan ay pagasa ng bayan at hindi problema ng bayan,sapagkat nasa kamay  naming mga kabataan ang bayan. Na ikauunlad ng bayang sinilangan.

1 comment: