Me.....(n_n)

Me.....(n_n)

Tuesday, October 18, 2011

HAPPY HAPPY 6th BIRTHDAY PAULINE!!!! 10/12/2011

To you my Dear Angel Pauline,

                                          Today is your very especial day.....

oh! my angel time run so fast, diko namalayan na 6 years old kana pala. Anak i want you to know that Mama love you very much..... my dear now i know why Papa JESUS let me live. because the reason is you!, ayaw ni papa JESUS na walang magaalaga at magpapalaki sayo.

my dear angel i want you to promise me something!?.....

I know you are big girl now diba. gusto ni mama na abutin mo mga dreams mo in life. then don't forget to take good care your brother and sister. always love them okay! ... if what ever happen be always strong for them. mama maybe will leaving you but not forever,maybe only in this world okay!. then one day or someday if time will come, we will meet again in the place where we belong to stay longer and forever.... dear Pauline mama is always at your side no matter what happen. because i believed that you can still see and feel me even i 'm gone. just close your eyes then hold your heart! Yes dear Pauline Mama is always in your heart forever and ever... i love you!....again HAPPY HAPPY 6th BIRTHDAY TO YOU MY DEAR ANGEL PAULINE.............muahhhhhhhhh!........... "n_n"

                                                              I LOVE YOU!!!.......

                                                                                                                   LOVE,MAMA! ^_^

HINANAKIT

Hindi ko alam kung papano sisimulan ang buhay ngayong wala na sakin ang lahat? nangungulila ako saking mahal na mga Anak, hindi na ako makatulog sa gabi pinipilit kung ipagwalang bahala ang lahat ngunit hanggang kaylan naman kaya ito?
Hindi ko na matiis ang lungkot ang takot ang kaba, sa pagaraw-araw na wala sila sa akin papano ko pa kaya sisimulan ang bukas nang wala sila.hindi lang ako nagpapahalata sa mga tao hindi lang ako nagpapakita ng kahinaan ngunit ang totoo hindi kuna ito makakayanan pa.


Hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang kanilang mga yapos ang kanilang mga halik at ang kanilang pagbabalik,muli sa aking piling kaylan ko kaya mararanasan ulit iyon? nawawalan na ako ng pag-asa, ang tanong ko sa sarili ay!, isusuko ko nalang ba sila o ipagpapatuloy ko ang aking pakikipagbaka para sa kanila. hindi ko na alam wala na akong maisip na ibang paraan pa papano nga ba papano na?. gusto ko silang ipaglaban ngunit paano, papano pati ang sarili ko hindi ko na nga rin alam kung anong gagawin ko?, wala akong magawa kung puwede lang ibalik ang panahon, ay ibabalik ko doon sa panahon na nagsisimula palang akong mangarap.


Upang naitama kuna agad ang mga pagkakamali ko, ngunit tayo ay tao lamang nagkakamali nagkakasala. kung marunong lang kasi ako makinig sa iba noon, hindi na sana nangyari sakin ang lahat ng ito. kawawa naman yong mga anak ko nadamay pa sa mga kasalanan ko bakit sila pa ang dapat na magbayad nang mga nagawa ko bakit?


Ang daya talaga ng mundo ang daya ng buhay bibigyan ka nga nang kaligayahan, ngunit panandalian lamang. sana hindi nalang sila binigay sakin kung hindi ko rin sila makakasama sa paglaki nila. hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang mga taong nasapaligid ko, o ang sarili ko lamang?. 


Minsan pinagsisisihan ko na naging mabuting tao ako sa kapwa ko, hindi na sana nangyari sakin ang lahat nang ito. ngunit ito ang pag-uugaling itinuro sakin ng aking mahal, na Inay at Itay. itong paguugali na ang kinamulatan at kinagisnan ko.

Thursday, February 24, 2011

Cheri

Kaya mo pa kayang mahalin akong muli sa kabila ng mga sinabi at sa kabila ng lahat ng sakit na naranasan mo mula sakin,makakaya mo pa ba akong pagkatiwalaan at ipagkatiwala muli ang ang puso mo?alam kung mahirap sa kabila ng lahat ngunit heto ako maghihintay parin ako sayo cheri,alam kung imposeble na ang lahat sa bawat sakit ng salita na natanggap mo mula sa akin malabo na napakalabo na talaga!. napakahirap ang mahalin ako maraming dapat malaman at alamin sakin?,hindi ako isang basta basta lang na mapapaibig ng ganon ganon nalang kahit na may kasama pa ako o kahit may mga anak pa ako. ang pag-ibig ko ay hindi ito na nanakaw sakin yan ang hindi nawawala. kahit lumipas man ang panahon kahit umabot man ako sa langit katawan ko lang ang magbabago katawan ko lang ang magagalaw ngunit hindi ang puso ko,alam kung mahirap maipaliwanag ang lahat.basta alam ko ako'y nagkasala at nasaktan na kita ng labis, na alam kung hindi muna nga kinakaya eh!,patawarin mo sana ako nais pa rin kitang maging kaibigan isang malapit na kaibigan kahit yun nalang.sana hindi mo maipagkait sakin yun. sana maging maligaya ka sa buhay mo ngayon maghihintay parin ako sa tamang oras at panahon para sa atin hindi man ngayon hindi man dito sa mundo kahit sa kabilang buhay magaantay ako. sana maging masaya ka sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo,sana malagpasan mo lahat ng mga pagsubok sa buhay mo at sana ganun din ako Diyos na ang bahala para satin Diyos na ang bahalang gumabay. para pagtagpuin ang landas natin sana sa pag dating ng panahong iyon ay wala nang problema wala ng sagabal wala nang pag-aalinlangan sana maging masaya tayo,sa kabila ng lahat ng mga nangyari satin.






Ako,Ikaw at Kayo,Tayo ay TAO

Hindi ko na maunawaan ang dahilan at hindi ko na maintindihan kung ano? ang dami kung pinagdadaanang problema nitong mga nakaraang mga buwan araw-araw oras-oras at gabi-gabi,hindi ako halos makatulog at makapagisip nang mayos nawawala ako pati mismo sa sarili ko, nagtataka ako ano ba ang nangyayari sakin? ang hirap maipaliwanag at maunawaan ang mga pangyayari at mga magyayari pa, sa buhay ko naka ligtas nga ko sa isang malaking pagsubok ng Diyos sakin. at binigyan ng pangalawang buhay ngunit bakit ganito,bakit hindi ko na halos makayanan lahat ng pagsubok nya para sakin?

Suko na ako ayaw ko na pagod na rin ako sa pakikipagbaka sa buhay ngunit alam kung mas marami pang nagmamahal at nangangailangan sakin,alam kung marami pang tao na naniniwala sakin!. hanggang nariyan sila sige lang ipagpapatuloy ko ang aking pakikipag-baka alang-alang mga taong ito alang-alang sa mga taong naniniwala at nagmamahal sakin.

Ang bilis ng panahon parang kaylan lang nangangarap lang ako na sana maging matanda na ako para hindi na ako nasasaktan napapalo at napapagalitan,ngunit mali pala ako ang sarap pala maging isang "bata" wala kang iniisip kung hindi ang kumain matulog at mag laro na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid at sa mundo.walang iniisip na kung ano mang problema!,malayang nagsasalita malayang nakakatakbo malayang umiiyak. hahay! kay sarap ibalik ulit ang panahon.


Ngunit paano nga ba ito maibabalik na ngayong puno kana ng iyong pinapasan sugat galos saksak,pasa at dugo,ngunit lahat ng yan ay pagsubok lamang sa isang mortal na tao. tulad ng tao na nabubuhay sa mundong ibabaw, isang makasarili, isang mapaglinlang isang bayaran isang halang ang bituka sa madaling salita isang makasalanan!. yan ang ating mundo ang mundo na ang daming kinikilalang Diyos ibat-ibang pinaniniwalaan at paniniwala,na parang isang "Wika" na iba-ibang salita. maraming hindi nagkakaintindihan at nagkakaunawaan na kinakailangan pag-sikapan matutunan at alamin nang karamihan lalo na ng mga kabataan.


Ito'y hindi na maiaalis ng kahit na sino pa-man sapagkat ito ay isang bahagi na nang-ating mga nakaraan,at kahit sa pangkasalukuyan yan ang ating mundo, ang ating batas ang ating mga paniniwala,ang ating mga nais dapat na maipatupad at maipalaganap pa,yan ang ating-uri yan ang tao,yan tayo bilang tao.







 

Wednesday, February 16, 2011

WE NEED YOUR HELP......THANK YOU IN ADVANCE!!! =)


WE NEED YOUR HELP!
For the on-going construction of Church's Seawall Project.
Due to lack of funds the construction was temporarily stopped last January 29, 2011.
For donation & pledges please contact the
Parish Priest or
Ms.Celinia Adarayan(Chairman Temporalities)
Cell Phone No:09093652609
Metrobank Savings Account Name:
St. Michael the Archangel Parish Laoang
Account No. 346-3-34613249-4
email add: stm380@gmail.com
REMEMBER, it matters not how much you give.
It’s the faith that goes with the giving which makes the difference...
GOD BLESS

Saturday, January 22, 2011

ANAK AT MAGULANG

Sabi nila ang mga anak daw ay mahirap unawain at maintindihan. Ngunit ano nga ba kaya ang tunay na mas mahirap, ang maging isang Magulang o ang maging isang Anak?

MARAMING PAMAMARAAN NG PAGIGING ISANG MAGULANG AT ANG PAGIGING ISANG ANAK!!!....... 


1.)May mga magulang na mabubuti,at may mga magulang din naman na malulupet.

2.)May mga anak na mababait,at may mga anak din naman na suwail.


3.)May mga magulang na mapagmahal,at may mga magulang din naman na walang pakialam sa mga anak.

4.)May mga anak na maunawain,at may mga anak din naman na walang hiya.


5.)May mga magulang din na takot sa mga anak,at may mga magulang na walang awa sa mga anak.


6.)May mga anak din na takot sa mga magulang,at may mga anak din na bastos at walang respeto sa magulang.


7.)May mga magulang na kayang ibigay ang layaw ng mga anak, at may mga magulang din naman na hindi kayang maibigay ang pangangailangan ng mga anak.


8.)May mga anak na sila ang nagbibigay sa magulang,at may mga anak din naman na hindi kayang maibigay ang ninanais ng magulang.


9.)May mga magulang na kayang ibuwis ang sariling buhay alang-alang sa anak,at may mga magulang din naman na mas uunahin ang sariling kapakanan bago ang mga anak.

10.)May mga anak din naman na handang ibigay ang buhay alang-alang lamang sa mga magulang,at may mga anak din naman na ang sariling kapakanan lang din ang iniisip.


AH! BASTA PARA SAKIN PAREPAREHO LANG DIN TAYONG LAHAT DUMAAN SA PAGIGING ISANG ANAK,AT BALANG ARAW AY MAGIGING ISANG GANAP NA MGA MAGULANG DIN TAYONG LAHAT,SA AYAW MAN NATIN O SA GUSTO!!!.........

Freddie Aguilar -- Anak (Child) -- English Version