Me.....(n_n)

Me.....(n_n)

Thursday, February 24, 2011

Ako,Ikaw at Kayo,Tayo ay TAO

Hindi ko na maunawaan ang dahilan at hindi ko na maintindihan kung ano? ang dami kung pinagdadaanang problema nitong mga nakaraang mga buwan araw-araw oras-oras at gabi-gabi,hindi ako halos makatulog at makapagisip nang mayos nawawala ako pati mismo sa sarili ko, nagtataka ako ano ba ang nangyayari sakin? ang hirap maipaliwanag at maunawaan ang mga pangyayari at mga magyayari pa, sa buhay ko naka ligtas nga ko sa isang malaking pagsubok ng Diyos sakin. at binigyan ng pangalawang buhay ngunit bakit ganito,bakit hindi ko na halos makayanan lahat ng pagsubok nya para sakin?

Suko na ako ayaw ko na pagod na rin ako sa pakikipagbaka sa buhay ngunit alam kung mas marami pang nagmamahal at nangangailangan sakin,alam kung marami pang tao na naniniwala sakin!. hanggang nariyan sila sige lang ipagpapatuloy ko ang aking pakikipag-baka alang-alang mga taong ito alang-alang sa mga taong naniniwala at nagmamahal sakin.

Ang bilis ng panahon parang kaylan lang nangangarap lang ako na sana maging matanda na ako para hindi na ako nasasaktan napapalo at napapagalitan,ngunit mali pala ako ang sarap pala maging isang "bata" wala kang iniisip kung hindi ang kumain matulog at mag laro na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid at sa mundo.walang iniisip na kung ano mang problema!,malayang nagsasalita malayang nakakatakbo malayang umiiyak. hahay! kay sarap ibalik ulit ang panahon.


Ngunit paano nga ba ito maibabalik na ngayong puno kana ng iyong pinapasan sugat galos saksak,pasa at dugo,ngunit lahat ng yan ay pagsubok lamang sa isang mortal na tao. tulad ng tao na nabubuhay sa mundong ibabaw, isang makasarili, isang mapaglinlang isang bayaran isang halang ang bituka sa madaling salita isang makasalanan!. yan ang ating mundo ang mundo na ang daming kinikilalang Diyos ibat-ibang pinaniniwalaan at paniniwala,na parang isang "Wika" na iba-ibang salita. maraming hindi nagkakaintindihan at nagkakaunawaan na kinakailangan pag-sikapan matutunan at alamin nang karamihan lalo na ng mga kabataan.


Ito'y hindi na maiaalis ng kahit na sino pa-man sapagkat ito ay isang bahagi na nang-ating mga nakaraan,at kahit sa pangkasalukuyan yan ang ating mundo, ang ating batas ang ating mga paniniwala,ang ating mga nais dapat na maipatupad at maipalaganap pa,yan ang ating-uri yan ang tao,yan tayo bilang tao.







 

No comments:

Post a Comment