Me.....(n_n)

Me.....(n_n)

Tuesday, October 18, 2011

HINANAKIT

Hindi ko alam kung papano sisimulan ang buhay ngayong wala na sakin ang lahat? nangungulila ako saking mahal na mga Anak, hindi na ako makatulog sa gabi pinipilit kung ipagwalang bahala ang lahat ngunit hanggang kaylan naman kaya ito?
Hindi ko na matiis ang lungkot ang takot ang kaba, sa pagaraw-araw na wala sila sa akin papano ko pa kaya sisimulan ang bukas nang wala sila.hindi lang ako nagpapahalata sa mga tao hindi lang ako nagpapakita ng kahinaan ngunit ang totoo hindi kuna ito makakayanan pa.


Hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang kanilang mga yapos ang kanilang mga halik at ang kanilang pagbabalik,muli sa aking piling kaylan ko kaya mararanasan ulit iyon? nawawalan na ako ng pag-asa, ang tanong ko sa sarili ay!, isusuko ko nalang ba sila o ipagpapatuloy ko ang aking pakikipagbaka para sa kanila. hindi ko na alam wala na akong maisip na ibang paraan pa papano nga ba papano na?. gusto ko silang ipaglaban ngunit paano, papano pati ang sarili ko hindi ko na nga rin alam kung anong gagawin ko?, wala akong magawa kung puwede lang ibalik ang panahon, ay ibabalik ko doon sa panahon na nagsisimula palang akong mangarap.


Upang naitama kuna agad ang mga pagkakamali ko, ngunit tayo ay tao lamang nagkakamali nagkakasala. kung marunong lang kasi ako makinig sa iba noon, hindi na sana nangyari sakin ang lahat ng ito. kawawa naman yong mga anak ko nadamay pa sa mga kasalanan ko bakit sila pa ang dapat na magbayad nang mga nagawa ko bakit?


Ang daya talaga ng mundo ang daya ng buhay bibigyan ka nga nang kaligayahan, ngunit panandalian lamang. sana hindi nalang sila binigay sakin kung hindi ko rin sila makakasama sa paglaki nila. hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang mga taong nasapaligid ko, o ang sarili ko lamang?. 


Minsan pinagsisisihan ko na naging mabuting tao ako sa kapwa ko, hindi na sana nangyari sakin ang lahat nang ito. ngunit ito ang pag-uugaling itinuro sakin ng aking mahal, na Inay at Itay. itong paguugali na ang kinamulatan at kinagisnan ko.

No comments:

Post a Comment